FANDOM


Ang Mananayaw sa Templo


Tinititigan ni Princess ang kanyang nasa isip na perpektong mukha sa salamin habang hinahawakan ang balahibo ng isang itik. ”Aya”, sabi niya sa isang mahinang tinig bago niya pinahiran ng kolorete ang mukha , “Hindi ko makita ang aking arsenico.”

Sa kabilang silid, tinignan ng kanyang yaya ang kanyang kasuotan na kahuhubad pa lamang. “Ito’y wala na baby. Hindi ko na ito makita.”

Kinagat ni Lucinda ang kanyang mga labi na parang may pagkayamot at ngumiti sa kanyang yaya nang hindi nalalaman na may vermillion o kulay pula siya sa ngipin, na nagmula sa ipinahid niya sa kanyang mga labi. “Aya, ang kahon ay alam kong nandito lamang. Saan mo ba ito itinago?”

Ang katulong, si Helene, hindi napansin kung nakita ni Lucinda ang kulay pula nito sa ngipin, ay ipinagpatuloy ang pagtutupi ng damit ng alaga. “Sa susunod ay huwag mo na ulit lalagyan ng pula ang iyong mga labi. Masama para sa iyo iyan dahil bata ka pa. Mabuti nang mawala na iyan.”

“Hindi na ako bata at hindi na ako ang alaga mo. Isa na akong dalaga ngayon. At ikaw ngayon ay aking katulong, at hindi yaya o isang nurse. Kaya’t hanapin mo na ang aking arsenico”, sabi ni Lucinda.

“At hindi ba’t sabi ko sa’yo, tayo ay magsasalita lamang gamit ang wikang Portuguese. Ngayon, ibigay mo na ang hinahanap ko.”

Nataranta si Helene dahil sa ipinapahanap ng alaga. Hindi ito nakita ni Lucinda datapuwat narinig niya ang pag-buntong hininga nito. Hindi nagustuhan ni Lucinda ang kanyang asal sa kanyang katulong, ngunit naalala niya ang kanyang sarili, at ang bagong istasyon niya sa lipunang ginagalawan, isang dalaga, tunay na dalaga. Pumunta si Helene sa upuang pinalulumutian ng mga balahibo at kinuha ang isang maliit na kahong gawa sa pilak. “Huwag kang gumamit ng marami,” ang wika ni Helene sa wikang Portuguese.

“Gagamitin ko ang gusto kong gamitin”, ang tugon ni Lucinda, at sabay kuha sa kahong kinuha ni Helene. Nang makuha ang pulang gusto para sa mga labi, nasambit niyang, “Ayan.”

“Hindi mo dapat ginagamit ang mga iyan. Kung nandito lamang ang iyong ina! Ayang mga koloreteng iyan ay magiging dahilan lamang ng iyong pagkakasakit at maganda ka naman kahit wala ang mga iyan”.

“Kailangan ko ang mga ito. Hindi nila dapat makita ang aking maitim na balat.”

“Anong masama sa maitim na balat?”

Ibinaba ni Lucinda ang kanyang mga mata nang parang may pagsisisi sa mga nasambit, sa kadahilanang nalimutan niyang si Helene ay kasing-itim ng isang anino. “Nais kong maging katulad ng mga kadalagahang Lisbon na nagmula sa Macao. Napakaganda ng kanilang mga balat na wari mo’y perlas kapag nasisikatan ng araw.”

“Ikaw ay mas maganda pa sa mga iyon, baby. Ano kaya ang masasabi ng iyong ama’t ina sa iyong mga ginagawa kung sila’y nabubuhay pa?”, ang tugon ni Helene.

Subalit hindi na nakinig pa man si Lucinda sa mga sinasabi ni Helene. Nakatitig siya sa bintana, sa karagatan, na wari mo’y pinakikinggan ang iyak ng mga manganglakal na Hindi at Portuguese, ang ingay ng mga tambol mula sa malapit na templo ni Shiva, at ang kalembang ng ginintuang kampana ng Santa Catarina.

Ang malamig na ihip na hangin ay wari mo’y bumubulong sa napakagandang buhok ni Lucinda. Inilagay niya ang isang balabal na yari sa sutla sa kanyang mga balikat sabay tanong na, “Paano kaya ako tignan, maganda kaya ako?”

Napakabata niya pa ani ni Helene. Napakabata upang magsuot ng masikip na korset, o isang bodice na napakaikli ang pagkakagupit. Ano na lamang ang iisipin ng mga tao? Ang mga mata ni Lucinda ngayo’y napakabilog at nang-aakit na wari mo’y dalisay na batis sa gitna ng kakahuyan.

Hindi na nakapaghintay si Lucinda. Umakyat siya sa hagdanan patungo sa opisina ng kanyang tiyo. Simula ng mamatay ang kanyang ama, ang daanan patungo sa opisinang iyon ay napakadilim ngunit nang dumating ang kanyang tiyo ay nagbago lahat. Ayaw ng kanyang tiyo ang madilim na daanan at higit sa lahat ang pagtitipid para sa mga walang kuwentang bagay. “Mga mahilig sa pagtitipid!”, ang isinisigaw niya sa mga tao sa bahay na iyon sa oras na mabatang madilim ang daanan. “Paano ninyo natitiis ang madilim na daanan!”.

Sa kadiliman ng kuwarto mas lumulutang ang ganda ng mga mata ni Lucinda at mas lalo pa itong gumaganda kapag suot niya ang kanyang arsenico .

Ibinagsak ni Carlos Dasana ang kanyang mga kamay sa kanyang lamesa at kasabay nito ang paglipad ng napakaraming mga papel. Idinuro niya ang kanyang pamangkin at sinabing, “Hindi mo ba alam ang mga bagay na ginagawa mo?”

Si Geraldo Silveira ay tumayo mula sa kanyang pagkakaupo mula sa isang upuang yari sa kawayan at kapagdakang inayos ang kanyang suot na amerikana, at pilit itinatago ang pagkagulat sa kanyang mga mata. “Patawad Tiyo Carlos…”

“Huwag mo akong insultuhin sa paghingi mo ng tawad! Pumatay ka ng tao, Aldo! Hindi ka maaaring humingi tawad para sa pagpatay mo sa isang tao! Ang pagpatay ay may kaukulang parusa at hindi ito maaaring maidaan sa simpleng paghingi ng tawad lamang!” Muling ibinagsak ni Carlos ang kanyang mga kamay sa lamesa at lumipad na naman ang isang lipon ng mga papel. “At ang lalaking pinatay mo ay mismong ama ng iyong pinsan!”

“Nalaman ko lamang iyon pagkatapos ko gawin ang bagay na iyon, tiyo. Pata…”

“Para sa pagmamahal ng Panginoon! Bantayan mo ang iyong dila!”

Nilaro ni Carlos ang kanyang mga daliri sa kahoy na lamesa at pinipilit intindihin ang kanyang pamangkin. “Pinalaki ka kasi sa layaw. Lahat ng mga magulang ay napapalaki ng maayos ang kanilang mga anak, ngunit ang aking kapatid, sumobra, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. At ang walang kuwentang ama mo…”

“Isa siyang mabuting lalaki, tiyo.” Ang kanyang mga mata ay mistulang nagpakita ng silakbo ng galit, ngunit naging kalmado siya sa pagpapatuloy ng kanyang pananalita. “Hindi mo siya maaaring sisihin.”

“Hinihingi ko ba ang iyong opinyon? Maaari kong sisihin ang gusto ko sisihin! Matuto ka sa kanyang mga pagkakamali, Aldo!”. Huminto ang matanda at hinawakan ang kanyang bigote. “Ngunit sinisisi ko rin ang aking sarili. Inalagaan kita ng labis. Dapat kong…”

Napahinto si Carlos Dasana, pinunasan ang kanyang noo at huminga ng malalim. “Hindi mo maaaring ikama ang lahat ng babae na makikita mo dahil lamang mabilis kang makadama ng kakaibang pakiramdam. Kung hindi pa sila kasal, dahil sa pagmamahal mo sa birhen nilang pangangatawan! Itigil mo na iyan at dahil ika’y malagot sa mga tao!”

“At kapag sinusuwerte ako, sa asawa lang nila, tiyo.” Tumingin si Geraldo sa kanyang tiyo at nagtanong ng, “Nasaan ang laro doon, tiyo?”

Nagtawanan ang dalawa sa kanilang biruan na animo’y totoo dahil sa daloy ng kanliang usapan. Naisip ni Carlos na oo nga’t isang Dasana si Aldo at normal lamang iyon para sa kanila, ang habulin ng mga babae. “Tignan mo Aldo, simula nang mamatay ang iyong mga magulang ay ako na ang tumayong magulang para sa iyo. At responsibilidad ko ang anumang mangyari sa iyo. Kaya’t pumunta kana sa Goa at huwag mo na hintayin ang parusang ipapatong sa iyo.”

Ibinaba ni Geraldo ang kanyang ulo. “Tiyo Carlos, nais kitang pasalamatan…”

Napahinga nang malalim si Carlos. “Huwag ka munang magapasalamat sa akin nang hindi tapos. Sa katotohanan ay hindi ka maaaring pumunta sa Goa sa mga panahon ngayon.” Pumunta siya sa likod ng kanyang upuan. “Pagkatapos ng dalawampung taon ng digmaan, natapos na rin ang Pepper Wars, Aldo, at nanalo ang mga Dutch sa hindi ko malamang dahilan.”

“Hindi ka seryoso sa mga pinagsasabi mo, tiyo. Sigurado akong may pag-asang manalo ang Goa dahil sa libu-libo nitong mga sasakyang pandigma nito.”

Nakagawa ng tunog ng pagkagalit ang matanda sa kanyang mga labi. “Ang mga sasakyang pandigma? Nakita mo na ba ang mga sasakyang pandigma? Saan! Lahat ay kinuha na ng Brazil! Harapin na natin ang katotohanan Aldo! Iniwan na tayo ng mga Lisbon! Wala na ang Goa! Napakaliit lamang ng bilang ng mga sasakyang pandigma ang nakatakas mula sa pananakop na iyon!”

Iwinagwag ni Carlos Dasana ang kanyang ulo. “Ang ating mga kababayan ay tumakbo at tumakas na parang mga daga. Dinala nila ang mga kaya nilang dalhin na mistulang mga takot na pusa. Daan-daan na lamang na Portuguese ang naiwan sa Goa. Maging ang mga malalakas na pari ay nawala, halos lahat sila…”

Napatigil si Dasana, na para bang ang mga susunod na mga sasabihin ay napakahirap sabihin. May napansin si Geraldo. Lumapit siya sa lamesa ng tiyo. “Tiyo, hindi na ako bata para paglaruan mo, o pasakayin mo sa iyong kabaitang ipinapakita. Ano ang kailangan mo sa akin?”

Kinagat ni Carlos ang kanyang mga labi at sinabi na, “Tama ka. Kailangan ko ng sinumang mapagkakatiwalaan. Marahil isa sa mga kadugo ko. Inubos na tayo ng digmaang iyan. Nalalapit nang mawala ang mga Dasana sa mundo.”

Tumagal nang ilang saglit nang makatugon si Geraldo. “Hindi ako naniniwala!”

“Ang kapatid ko, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa, iniwan niya ang lahat ng mga bagay nang magulo! Hindi ko alam kung maaayos ko pa ang mga ito. Wala na tayong salapi. Hindi naman tayo maaaring makipagpalit ng mga produkto sa mga Dutch dahil baka paglaruan lamang nila tayo na mistulang mga bola. Ngunit kung hindi tayo makikipagpalit ng produkto ay mamamatay tayo!” Ngayon ay lumapit na si Dasana sa pamangkin at nagsalita nang pabulong, “Gaano karami ang nalalaman mo sa bansang Bijapur?”

“Ang mga demonyong Muslim na iyon? Ang alam ko lamang ay naging kaaway sila ng ating lahi dantaon na ang nakakaraan. Ang mga iyon na pinaniwala tayong wala silang relihiyon at sumuko sa atin sa Goa, at pagkatapos ay inatake nila tayo! Mga taksil! Pinatay nila ang ating mga kalahi at inalipin ang ating mga kababaihan! Napakasama nila…”

Kumumpas si Dasanda na wari mo’y pinigil si Geraldo sa kanyang pananalita. “Iyon ay bahagi lamang ng ating nakaraan at mananatili sa ating nakaraan. Matuto tayong lumimot at magpatawad.”

“Tiyo Carlos!”

“Makinig ka Aldo, makinig kang mabuti.” Tumingin ang matanda sa paligid ng kuwarto upang masigurong walang nagmamanman sa kanila. “Ang sultan ng Bijapur ay kamamatay pa lamang, sa pakiwari ko’y isang taon pa lamang ang nakakaraan. At ang inaasahang pumalit sa kanya ay ang iniwan niyang anak na siyam na taong gulang pa lamang. Nagalit ang buong Bijapur nang malaman ito. Kaya’t kinuha ng sultana ang pamamalakad at sinubukang mamuno. At narinig kong sakuna ang naidulot nito. Kaya’t kailangan ng isang lalaking mamumuno sa buong Bijapur. Ang mamumunong iyon na lamang ang ating pag-asa upang mabawi ang lahat ng atin.”

“Sino naman ang lalaking iyon, tiyo?”

“Si Wali Khan, isang napakagaling na manananggol at kasapi ng hukbong pandigmang Bijapur.” Huminga nang malalim si Carlos. “Kailangan niyang makuha ang trono ngunit hindi iyon madali. Hindi siya kasundo ng sultana at napaka-ingat ng sultana sa pamimili ng hahawak sa trono ng namayapa niyang asawa. Ayaw ng sultana sa mga miyembro ng hukbong pandigma sa paniniwalang gulo lamang ang dulot ng mga ito, at pinalala pa ang sitwasyon dahil si Wali Khan ay isang Hindu, at ang mga Hindu ay hindi kabilis pakisamahan. Gayunpaman, kailangan niyang manalo. Mananalo siya. Kailangan niyang manalo.”

“Ano ang ginawa mo para mapapayag siya na sumapi sa atin, tiyo?”

“Sa tingin mo ba ay madali iyon? Pera. Wala nang ibang paraan. Napakapangyarihan ni Wali Khan upang siya’y ating takutin. At ang perang dapat ialok sa kanya ay dapat makapagbigay lugod sa kanya at hindi mainsulto. Ngumiti si Carlos. “Kailangan natin siyang bigyan ng isang bagay na kakaiba. Iyong bagay na ipagpapalit niya sa kanyang buhay. Kalahating libong rupee ang aming ibinayad. At iyon ay katumbas ng apatnapung libong rial.” Lumaki ang mga mata ni Geraldo dahil sa pagkabigla sa narinig.

“Dammit, Aldo! Umaasa ako sa iyo! Kailangang ibukas mo ang iyong mga mata! Kailangan nating maging maingat.”

Ibinaba ni Geraldo ang kanyang ulo upang hindi makita ni Carlos ang kanyang mga ngiti. “Pag-aaralan ko iyan tiyo.”

Tinignan ni Carlos ang pamangkin, nangangamba kung magagawa kaya niyang pag-aralan ito. Huminga siya ng malalim. “Isasara ko muna itong bahay. Pero sandali lang naman.”

“Babalik kana sa Lisbon, tiyo?”

“Hindi sa Lisbon kundi sa Bijapur. Gustuhin man natin o hindi, ang kapalaran ng mga Dasana ay kaakibat na ng mga dati nating nakaaway.” Tumingin si Carlos sa mga mata ng pamangkin nang may kasamang pagkaprangka. “Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Lucinda. Nawala na ang kanyang ina, ang kanyang ama at ngayon, ang kanyang nag-iisang bahay…”

“Ngunit hindi ba’t nalalapit nang ikasal si Lucinda?”

“Tama na!”’ ang pasigaw na sabi ng matanda. “Baka marinig niya ang mga problema natin…” Naputol ang pananalita ni Carlos. Lumunok si Carlos ng kanyang laway. “Mahal ko si Lucinda,” ang sabi ni Carlos sa kanyang malambing na tinig. “Huwag mo sasabihin ang lahat sa kanya Aldo. Kahit isang salita lamang ay huwag kang magkakamali. Ang tungkol sa pagpunta ko sa Bijapur at mabuti nang mamatay siya imbes na makapunta siya sa Goa!” Pinunasan ni Carlos ang kanyang mga mata gamit ang itim na panyo. “Huwag kang magsasalita sa kahit na anong bagay kapag nandiyaan siya, naririnig mo ba ako? Mahina siya at ayokong madamay pa siya sa mga problema natin. Parang anak na ang turing ko sa kanya.”

Ngayon ay pinunasan naman ng matanda ang kanyang ilong gamit ang kanyang itim na panyo. “Huwag mo akong bibiguin, Aldo. Ikaw lamang ang nag-iisang anak ng aking namayapang kapatid na babae. Umaasa ako sa tulong mo.”

Bumukas ang pintuan ng opisina at mistulang ang alon ng karagatan ay humampas sa mukha ng dalawang lalaki. Nakita nila si Lucinda, suot ang isang puting kasuotan na nagmistulang liwanag naman sa opisina ni Tiyo Carlos. Ang amoy ni Lucinda’y wari mo’y isang rosas na mapapaibig ang sinumang makaamoy nito.”

“Tiyo Carlos!”, pakantang sinabi ni Lucinda, at sumasayaw na pumunta sa lamesa ng tiyo. Tumayo ang matandang lalaki hinalikan si Lucinda sa mga pisngi nito nang may buong pag-respeto. “Yha, ito si Geraldo.”

“Ito ang iyong pinsan, Lucinda Dasana,” ang pormal na pagwika ni Carlos.

Nagbigay galang si Geraldo sa pinsan sa pamamagitan ng pagyuko. Ibinababa rin naman ni Lucinda ang kanyang mga ulo bilang pagtannggap sa iniasal ng napakaguwapong binatang pinsan.

“Hindi kita nakilala Lucinda,” ang nasambit ni Geraldo habang tinititigan ang napakagandang pinsan dahil hindi ito makapaniwala sa napakalaking pagbabago nito.

“Anim na taon ka pa lamang nang huli tayong magkita. At naaalala ko pa nang tapunan ko ng butete ang iyong damit, kung hindi ako nagkakamali.” Namula si Lucinda na parang napahiya.

“Alam kong hindi mo iyon ginawa dahil kapag ginawa mo iyon ay kamumuhian kita. Sabagay, malaki na ako ngayon.” Tumawa si Lucinda.

“Malapit nang ikasal iyan ang sabi ko sa iyo! Naaalala mo ba ang sinabi ko sa iyo kanina?”, ang sabi ni Carlos.

“Tiyo Carlos!”

“Oo nga, tiyo.” Ang patawang sagot ni Geraldo.“Ngayon ay magkaibigan na tayo pinsan at dapat ay maging masaya tayo sa bawat saglit na magkasama tayo. Papunta ako sa Bijapur. Nais mo bang sumama sa akin sa Bijapur?”

Napakamot ang matanda sa ulo. “Ha? Anong sinasabi mo Aldo? Hindi ko…”

Ngunit narinig na ni Lucinda ang sinabi na Geraldo. Umikot siya sa kanyang tiyo at pinilit itong pasamahin siya sa pinsan. Sa unang tanong ay hindi ang sagot ng kanyang tiyo, sa pangalawa ay hindi, at ang mga sumunod pa ay hindi, hindi, hindi.

Naisip ni Carlos na magandang paraan ito upang mabilis niyang maipasara ang tahanan nila. Ngunit paano na lamang ang kanilang mga plano?

“Sigina po, tiyo!”

“Sigina po, tiyo!”

“Sigina po, tiyo!”, ang paulit-ulit na pagmamakaawa ni Lucinda.

“O sige na iha, maaari ka nang sumama. Pero magpapakabait ka ha? At lagi kang sumunod sa akin”, ang pagpayag ni Carlos.

“Oo tiyo!”, ang sagot ni Lucinda habang nilalaro ang mga daliri sa kamay. Biglang niyang niyakap ang tiyo tanda ng pagpapasalamat.

Muling ninakawan ng tingin ni Carlos ang pamangkin. Naisip niyang dalaga na nga ito. Isa na itong tunay na Dasana. At ang mga babaeng Dasana ay kasing-bagsik ng isang ginto.